Sabado, Enero 17, 2015

Kilala ang Pampanga dahil nga madalas sabihin ng mga tao na Magaling daw mag-luto ang mga tao rito, ngunit ano nga ba ang kasaysayan ng Pampanga? Halina't ating alamin!

Ang "founder" Pampanga ay ang Kastilang si Martin de Goiti noong 1571. Nakuha ang pangalan ng Pampanga sa katagang "Pampang". Ang mga kalalakihan ay kilala dahil sa kanilang magaling na pamumuno. Samantalang ang mga kababaihan naman ay kilala dahil sa kanilang angking kagandahan at galing sa pagluluto. Ito ay muling inayos bilang  probinsya ng mga Espanyol noong Dec. 11, 1571.



Halina't alamin naman natin ang mga sikat na personalidad na nanggaling sa Pampanga. Ang mga Pampango/Kapampangan ay napakagaling pagdating sa mga talento kaya't maraming mga kapampangan ang mga sumikat at umasenso.
Si Sheena Yvette Castro Halili o Sheena Halili ay ipinanganak sa San Fernando, Pamp. noong Jan. 16, 1987. Siya ay nakilala bilang Monica noong 2007 sa teleserye na Marimar.

Si Aljur Guiang Abrenica o Aljur Abrenica ay ipinanganak noong March 24, 1990 sa Angeles City, Pamp. Siya ay nag-aral ng hayskul sa Don Bosco Academy at sumali sa isang "talent search show" na Starstruck at napanalunan ang titulong "Ultimate Hunk" noong 2006.

Si Rosario Maitim o Jean Garcia ay ipinanganak noong August 22, 1969 sa Angeles City, Pamp. Siya ay nakilala bilang Madame Claudia Buenavista sa 2000 Soap Opera na Pangako Sa'yo at bilang Alvoina Montenegro sa remake ng Ina, Kasusuklaman ba kita?


Ngayon naman ay ating alamin ang mga iba't ibang pista na ginaganap sa Pampanga.
Ang Sinukwan Festival ay ginaganap tuwing ika-1 hanggang ika-9 ng Disyembre. Ito'y ipinagdiriwang bilang pag-alala kay Aring Sinukman , diyos ng mga Kapampangan noong unang panahon.

Ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta ay ginaganap sa pagitan ng January at February sa Omni Aviation Complex sa Clark Freeport Zone, Angeles City, Pamp.

Ang Giant Lantern Festival o Pista ng mga Higanteng Parol ay isinasagawa sa San Fernando, Pampanga tuwing Disyembre.

Ngayon nama'y ating alamin ang mga paaralan na sikat rito sa Pampanga.
Ang Holy Angel University ay matatagpuan sa Lungsod ng Angeles City, Pampanga. Ito ay itinayo noong 1933 at ang kasalukuyang namumuno rito ay si Bernadette M. Nepomuceno.

Ang Systems Plus College Foundation ay in-establish noong 1985 sa Balibago, Angeles City, Pamp.

Ang Angeles University Foundation ay in-establish noong May 25, 1962 sa Angeles City, Pamp. Ang kasalukuyang namumuno rito ay si Atty. Joseph Emmanuel L. Angeles.

Marami ring mga pook-pasyalan dito sa Pampanga. Kung gusto niyong makapaglibang ay pwede kayong pumunta sa Sky Ranch Pampanga, kung gusto niyo namang makakita ng mga Animatronics na dinosaurs ay pwede kayong pumunta sa Dinosaurs Island sa Clark Picnic Grounds at kung gusto mo namang makita ang iba't-ibang mga tradisyon at kultura sa Pilipinas na pinagsama-sama sa isang lugar, pwede kang pumunta sa Nayong Pilipino sa Clark .








Mayroon ring mga sikat na pagkain na ipinagmamalaki ng Pampanga tulad ng Sisig, tibo-tibok, tugak at iba pa.



O, ano pang hinihintay niyo? Halina't bisitahin niyo na ang Pampanga!